Sunday, February 27, 2011

Ang Talambuhay ng isang Full of Life Student

 Ako si Sam Jenny Barcenas. Pinanganak noong Disyembre 16, 1995 sa San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Cefronnie Barcenas at si Rosanna Barcenas. Ang aking ama ay karpintero, minsan naman ay tindero. Ang aking ina naman ang nagaabyad sa amin ni kuya. Kami ay apat na magkakapatid at ako ang bunso. Ang panganay kong kuya at ate ay mayroon na silang sariling pamilya. Ang pangatlo ko namang kapatid ay nag-aaral ng kolehiyo. Ako naman ay nasa ikatlong antas na.

Elementary Days...

Ako ay nag-aral sa Ambray Elementary School mula una hanggang ikalawang antas. Ako ay lumipat sa San Pablo Colleges upang dito mag-aral ng ikatlong baitang. Dito ako pinapasok ng aking ate ng siya ay nasa ibang bansa. Ngunit lumipat ako sa San Pablo Cental School. At dito ko na pinatuloy ang aking elementarya mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang. Dito na rin ako nagtapos ng pag-aaral.

High School Days...

Unang araw pa lang ng klase, marami ng estudyante. Hinanap ko agad ang aking seksyon. At napabilang ako sa seksyon A. Ngunit kakaunti lang ang estudyante sa Science Section. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na mapabilang doon. Pinakuha kami ng exam. Sa awa ng Diyos, ako ay napasama sa seksyon ng Science.


Nang maging Freshmen ako, marami akong mga naging karanasan. Tulad na nito ay ang pagsali ng aming seksyon sa isang dulaan. Ang idudula ay ang Ibong Adarna. Nakamit namin ang unang karangalan. Kahit hindi kami masyado handa.

Nang maging Sophomore kami, walang natanggal sa amin. Ngunit may isang lumipat ng ibang paaralan. Ito namang taon ay dinula namin ang Florante at Laura. At nakuha namin ang ikalawang karangalan. Kahit ganun, masaya pa rin kami.

Ngayon Junior na ako, naging exciting. Kasi mayroon na kaming JS Prom. Naging masaya naman ang naganap na JS namin. Ngayon lang din namin naramdaman ang pagiging Science ay mahirap. Gagawa kasi kami ng Science Investigatory Project. Kahit ganoon, nagsusumikap kami para walang matanggal sa Science.  Pero masaya pa rin ako dahil napabilang ako sa seksyon na ito.

Hanggang dito lang muna ang aking talambuhay...

Thursday, February 17, 2011

The History

    Bubbly....
        While I'm reading a book, there's a Bubbly written. So, I decided to get that Bubbly word to become my blog's name. Because Bubbly is my one personality. Many said that I am full of life and energy. And they say that I am happy go lucky.

     Bubbles....
         When I was in second year, Mrs. Bondad, my Math Teacher, named me as Bubbles. She told us, we have to passed our notebook in Math. But I forgot to write my name in my notebook. In my notebook, there's a written "Bubbles". While she returned my notebook, she called me Bubbles. From that day, my classmates started to call me Bubbles.

    I combined Bubbly and Bubbles to form my blog's name. That is the history of my blog's name.

Percy Jackson And The Lightning Thief

   Si Zeus at si Poseidon ay nagkatagpo sa tuktok ng Empire State Building kung saan pinagtapat ni Zeus na ang kanyang "lightning bolt" ay nanakaw at inaakusa nito sa anak ni Poseidon na si Percy Jackson. Sinabi ni Poseidon walang alam si Percy dahil hindi nito alam ang tunay nitong katauhan.

   Si Percy ay labing pitong taong gulang, siya ay may hindi pangkaraniwang abilidad na kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig sa mahabang oras. Habang siya ay nasa lakbay aral sa isang lokal na museo, si Percy ay inatake ni Fury. Hiningi ni Fury sa kanya ang "lightning bolt". Pero tinlungan siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Grover Underwood at ang kanyang guro na si G. Brunner, na paraheong may kapansanan. Nang malaman nila ang rason kung bakit sila inatake si Percy, umalis sina Percy, Grover at ang nanay ni Percy na si Sally at tumungo sa Camp Half-Blood at iniwan nila ang asawa ni Sally na si Gabe Ugliano. Habang sila ay nasa biyahe ay inatake sila ng isang minotaure, pinatay nito si Sally, dahil hindi ito makapasok sa kampo. Pinatay naman ni Percy ang minotaure at ang ginamit niya sa pagpatay nito ang sungay ng minotaure.

   Si Percy ay nagising pagkatapos ng tatlong araw, nalaman niyang ama pala niya si Poseidon, si Grover ay tunay na Satyr at ang kanyang protektor at si G. Brunner, isa namang Chiron. Si Chiron ay nagbigay ng payo kay Percy na pumunta ito sa Mt. Olympus at konbinsihen si Zeus sa kanyang pagiging inosente sa pagkawala ng "lightning bolt". Sinimulan na ni Percy magensayo kung paano gamitin ang kanyang kapangyarihan, isa na rito ang "water manipulation" at pagkakita sa mga ibang anak ng nga diyos na sina Annabeth Chase, anak ni Athena at si Luke Castellan, anak naman ni Hermes. Habang sila ay nakain ay binisita sila ng isang fiery na kumakatawan sa kanyang tito na si Hades at sinabi ni Hades na buhay pa si Sally at kasama niya ito sa Underworld at sasauli niya si Sally kung ibibigay ni Percy ang "lightning bolt". Si Percy ay nagdesisyon na pumunta sa Underworld at kunin ang kanyang nanay. Kasama niya sa pagpunta sa Underworld sina Annabeth at si Grover. Bago sila umalis, pinuntahan muna nila si Luke at binigyan sila nito ng mapa kung paano nila mahahanap ang tatlong perlas, magagamit nila ang perlas sa pagtakas sa Underworld at binigyan din sila ng sapatos na may pakpak at shield.

   Ang tatlo ay nagsimula sa maghanap ng tatlong perlas. Ang unang perlas ay nasa lumang hardin kung saan malalaban nila si Medusa. Pinutol ni Percy ang ulo ni Medusa at dinala nila ito para magamit nila ito sa susunod. Amg pangalawang perlas ay nasa Parthenon ng Nashville. Ginamit ni Percy ang sapatos na may pakpak para makuha ang perlas. Naengkwentro nila si Hydra at ginamit nila ang ulo ni Medusa upang maging bato ito. At ang pangatlong perlas ay nakalokasyon sa Lotus Casino ng Las, Vegas, kung saan ang tatlo ay kumain ng lotus plants at nakalimutan nila kung bakit sila naroon. Tumagal sila ng maraming araw. Hanggang bumalik ang kanilang pagi-isip at nakuha na nila ang pangatlong perlas. Tumuloy na ang tatlo sa Hollywood kung saan nandoon ang lokasyon ng Underworld.

   Nakilala nila si Hades at ang asawa nitong si Persephone. Binigay ni Hades si Sally kay Percy at binigay naman ni Percy ang "lightning bolt". Ginamit ni Persephone ang "lightning bolt" sa asawa nito at hindi naglaon namatay si Hades at pinalaya nito sina Percy. Dahil talo lang ang perlas, sila Percy, Annabeth at si Sally lang ang nakaalis sa habang si Grover ay nagpaiwan dito. Napapunta sila Percy, Annabeth at Sally sa Empire State Building pero inatake sila ni Luke. Gusto ni Luke na wasakin ang Mt. Olympus parta mabantayan ang ang lugar ng mga anak ng mga diyos o demigods. Pagkatapos ang pgalalabanan sa pagitan ni Percy at ni Luke, nanalo si Percy. Tinungo na nila si Zeus. Sinauli na ni Percy ang "lightning bolt" at pinatawad na ni Zeus si Percy at binigyan pa sila nito ng pagkakataong mag-usap silang mag-ama. Si Percy, Annabeth at si Grover ay muling nagkita at ipinagpatuloy na nila ang kanilang pageensayo sa kampo. Si Gabe naman ay pinalayas sa bahay ni Sally.

   At dito na natapos ang pelikulang "Percy Jackson And The Lightning Thief".

I Am Responsible Netizen

    Many people are using Internet for their own purposes. Our work become easier and faster because of using Internet. For example, we have a relative from abroad, we use chat for our communication instead of sending them a letter. Internet helps students for their assignments and projects. Entrepreneurship use Internet for their business. These are the advantages of using Internet.

    If there's a advantage, then there's a disadvantages. The teenagers are become addicted on online games. And they also watching porno video. Many news stated that numerous number of women do the cyber sex in the use of Internet. These are the example of disadvantages of Internet.

    I will be a responsible netizen. I will use Internet in good ways. I will never cut my class just to play online games. I will use it not too long.

   Tips in using Internet
1. If you have an assignment, try to go to library instead of using Internet.
2. Don't use Internet too long because it can cause in eye diseases.
3. Don't hank. Because it can ruin lives of the people you had hank.
4. Don't use Internet as your illegal business.

3-Science go to Los Baños

    Eco Tour na...
      Lahat kami ay nasasabik na gumala. Ang aga namin dumating. "Ang tagal nga ni Sir eh." Kararating pa lang ni Sir, kinantahan namin siya ng "Happy Birthday". Kaarawan pala ni Sir, kaya siya ay huli na. Tinanghali tuloy kami ng alis. Ang saya nga namin sa jeep eh. Papicture-picture nga lang kami at may sound trip pa.

   Ang una namin pinuntahan ay Biotech. Ang gaganda ng mga tanawin sa Los Baños at ang hangin pa. Habang nagtuturo yung speaker ay may nagpipicture para daw mahuli yung mga hindi nakikinig pati yung mga nagtetext. Nang matapos, nagkaroon pa kami ng group picture sa labas ng Biotech.

   Ang pangalawa naman naming pinuntahan ay ang Forest Products Research And Development Institute (FPRDI). Pumasok kami doon sa Wood Library. Grabe, ang daming mga kahoy. May nakatago pa sa steel cabinet. Ang mga laman daw nun ay mga kahoy noong 1900's pa. Pumasok din kami sa isang silid kung saan ginagawa yung mga papel. Nagkaroon pa nga ng mga leksyon kung paano gumawa ng papel gamit ang mga fibers ng mga puno. Mabuti pa si Sir, binigyan ng papel gawa sa bawang at karton. Katulad ng una, nagpapicture ulit kami.

   Ito ang pinakanakakapagod. Pinaakyat ba naman kami sa Bundok ng Makiling, halos 3.5 kilometro ang taas. Tapos paahon pa. Pahirapan kami makataas ai. Yung mga lalake ang unang nakarating, sumunod yung mga babae kasama si Sir pati si Sir Jonathan (yung "yaya" daw ni Sir). Pagkarating namin, kainan na! Pero sulit yung pagod namin. Ang ganda kasi nung view.

   Pagkatapos namin pumunta sa Art Center, ang tuloy namin sa Department of Science and Technology (DOST). Ang daming mga Scientific Investigatory Project (SIP). Pumunta rin kami sa Bureau of Plant Industry (BPI). Humawak yung mga kaklase ko ng mga bulate. Ang dami ngang bulate. Binigyan pa si Sir ng mga buto ng mga prutas.

   Ang huli naman ng pinuntahan ay ang Robinson. Kumain lang kami sa may Food Court. Yung iba naman ay bumibili ng mga pasalubong. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami.

   Grabe, pagod na pagod kami eh. Ang saya-saya ng Eco Tour namin. Sana may susunod pa.....

Tuesday, February 15, 2011

Nature

As man’s mission for facts continues,
Unfortunately His lits-up another fuse,
Not aware of what He’s about to abuse,
Will one day knock him down unconscious?

The wisdom He gained was truly uplifting
The joy in His heart, indeed overflowing,
The success of His works was very fulfilling,
But soon He’ll witness the price He’s paying,

The root that brought His very existence,
Was a dying soul kept in silence?
A Mother called “Nature” is loosing patience,
And man will discover the wrath of her vengeance,

But in spite these facts, it’s not too late,
To start a new and emancipate,
The beauty of nature trapped in hate
I’ll take my part and for you I will wait.

Si Janex At Ang Kompyuter


Sa paaralan ng Dizon High may isang estudyanteng nangangalang Janex. Si Janex ay isang irresponsible, tamad at walang pakialam kung siya man ay nakakasakit ng damdamin. Siya ay nasa ikatlong antas na at nabibilang sa seksyon K.

            Isang araw, siya ay pumunta sa silid-aklatan upang doon siya maghanap ng mga inpormasyon tungkol sa kanyang research paper. At hindi nagtagal dumating ang tagapagmahala ng kanilang silid-aklatan.

            “Janex, ano ba ung usok diyan?” alam ng tagapagmahala na naninigarilyo si Janex sa loob ng sili-aklatan at paulit-ulit nitong ginagawa kahit anong gawin niya.
            “Ilan bang beses kong sasabihin sa’yo na huwag na huwag kang manigarilyo sa loob ng silid-aklatan?” ani niya.
            “At ilan beses ko rin bang sasabihin sa’yo na wala kang pakialam?”sagot na pabalang ni Janex.
            “Uulitin ko lang sa’yo na ako lamang ang tagapagmahala nitong sild-aklatan na ginagamit moh at guro mo sa asignaturang Edukasyong Pagpapahalaga,” galit na sabi ng tagapagmahala.
            “Oh ano naman ngayon? Tagapagmahala ka lang naman. Nagbabayad ako dito at tandaan mo, wala kang pakialam kung ano man ang ginagawa ko,” walang galang na sabi ni Janex.
            “Puwes lumabas ka sa silid na ito!” sigaw na sabi ng tagapagmahala.
            “Hindi mo na kailangan akong paalisin, dahil kusa akong aalis!” padabog na sabi ni Janex at lumabas na ito sa silid-aklatan.
            “Kay malas nga naman oh!” pabulong na sabi ni Janex habang siya ay palabas ng silid-aklatan.

            Pagkatapos nitong makipagsagutan sa tagapagmahala, siya ay tumungo na sa kaniyang silid-aralan. Alam niyang huli na siya sa kanyang klase kaya binagalan pa niya lalo ang kanyang lakad. Pero nakarating pa rin siya sa kanyang silid.

            Dire-diretso siyang pumasok kahit may guro sa unahan. Hindi pinansin ng guro si Janex. Dahil alam niyang kahit anong sermon ang gawin niya hindi pa rin ito susunod.

            “Tayo ay magkakaroon ng Sci-Camp sa darating na Setyembre 26-29. ‘Yung may gusto ay pwede kayong pumunta sa akin at humingi ng form. ‘Yun lang at pwede na kayong umuwi.” anunsyong sabi ng kanilang guro.

Kinabukasan, sa may Computer Room….

            “Hay, makakapagcomputer din sa wakas,” tuwang sabi ni Janex.
            “Ang swerte ko naman, walang tao,” ani ni Janex.

            Pagkatapos niyang gamitin ang kompyuter, hindi niya ito pinatay sa tamang patayan at hindi man lang nilinis.


            Dumating ang araw ng Sci-Camp….

            “3-K, dun kayo matutulog sa may Computer Room, maliwanag ba? At pwede na ninyo ilagay ung mga gamit niyo,” utos ng kanilang guro.

            Sinunod na ng mga 3-K ang utos ng kanilang guro.

Nagsimula na ang Sci-Camp.

            Nagkaroon ng mga laro at inabot ng alas-dose ng hatinggabi. Kaya ang bawat isa ay napagod at pumunta na sa kani-kanilang kwarto. Ang iba naman ay naliligo.

            Si Janex ay mahimbing na natutulog gayundin ang kanyang mga kaklase. Siya ay nagising sa kalagitnaan ng madaling araw. Nagising siya sa mga naguusap. Hinahanap niya ang pinagmumulan ng tunog. Napagalaman niya na galing ang tunog sa kompyuter. At tiningnan naman niya ito.

            Habang siya ay nasilip, napansin niya ang mga kompyuter ang naguusap. Biglang may kumulpit sa kanyang balahibo.

            “Ano ba?” galit na sabi ni Janex at bigla siyang napasigaw.
            “Aaaaaaahhhhhhhhhh!” Ang tanging nasabi niya. Hindi siya makapaniwala na ang kumulpit sa kanya ay isang kompyuter na may buhay.
            “Lumayo ka.”
            “Alam mo bang nakakasakit ka ng damdamin ng iba?” tanong ng kompyuter.
            “Oh ano naman sa’yo?”
            “Nandito lang kami para turuan ka ng leksyon. Una sa lahat maging magalang ka at dapat marunong kang magpahalaga ng damdamin ng iba.”
            “Kung hindi ko iyon gawin?”
            “Puwes,hindi lang kompyuter ang mabubuhay kung hindi ka susunod.”
            “Kailangan ba talaga na sumunod sa’yo?”
            “Oo.”

            Biglang may yumuyugyog sa kanya.

            “Gising! Gising!” sabi ng kanyang kaklase.
            “Ano nangyari?” tanong hniya sa kanyang kaklase.
            “Nananaginip ka.”
            “Salamat! Panaginip lang lahat yun.”
            “Ano?”
            “Wala.”

Simula nung nanaginip siya ay bigla siyang naging magalang at marunong na rin siya magpahalaga sa mga ibang tao. Maraming nagtakang guro sa kanya pero sinasabi niya na nagbago na siya. Walang ibang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanya.