Eco Tour na...
Lahat kami ay nasasabik na gumala. Ang aga namin dumating. "Ang tagal nga ni Sir eh." Kararating pa lang ni Sir, kinantahan namin siya ng "Happy Birthday". Kaarawan pala ni Sir, kaya siya ay huli na. Tinanghali tuloy kami ng alis. Ang saya nga namin sa jeep eh. Papicture-picture nga lang kami at may sound trip pa.
Ang una namin pinuntahan ay Biotech. Ang gaganda ng mga tanawin sa Los Baños at ang hangin pa. Habang nagtuturo yung speaker ay may nagpipicture para daw mahuli yung mga hindi nakikinig pati yung mga nagtetext. Nang matapos, nagkaroon pa kami ng group picture sa labas ng Biotech.
Ang pangalawa naman naming pinuntahan ay ang Forest Products Research And Development Institute (FPRDI). Pumasok kami doon sa Wood Library. Grabe, ang daming mga kahoy. May nakatago pa sa steel cabinet. Ang mga laman daw nun ay mga kahoy noong 1900's pa. Pumasok din kami sa isang silid kung saan ginagawa yung mga papel. Nagkaroon pa nga ng mga leksyon kung paano gumawa ng papel gamit ang mga fibers ng mga puno. Mabuti pa si Sir, binigyan ng papel gawa sa bawang at karton. Katulad ng una, nagpapicture ulit kami.
Ito ang pinakanakakapagod. Pinaakyat ba naman kami sa Bundok ng Makiling, halos 3.5 kilometro ang taas. Tapos paahon pa. Pahirapan kami makataas ai. Yung mga lalake ang unang nakarating, sumunod yung mga babae kasama si Sir pati si Sir Jonathan (yung "yaya" daw ni Sir). Pagkarating namin, kainan na! Pero sulit yung pagod namin. Ang ganda kasi nung view.
Pagkatapos namin pumunta sa Art Center, ang tuloy namin sa Department of Science and Technology (DOST). Ang daming mga Scientific Investigatory Project (SIP). Pumunta rin kami sa Bureau of Plant Industry (BPI). Humawak yung mga kaklase ko ng mga bulate. Ang dami ngang bulate. Binigyan pa si Sir ng mga buto ng mga prutas.
Ang huli naman ng pinuntahan ay ang Robinson. Kumain lang kami sa may Food Court. Yung iba naman ay bumibili ng mga pasalubong. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami.
Grabe, pagod na pagod kami eh. Ang saya-saya ng Eco Tour namin. Sana may susunod pa.....
No comments:
Post a Comment