Tuesday, February 15, 2011

Si Janex At Ang Kompyuter


Sa paaralan ng Dizon High may isang estudyanteng nangangalang Janex. Si Janex ay isang irresponsible, tamad at walang pakialam kung siya man ay nakakasakit ng damdamin. Siya ay nasa ikatlong antas na at nabibilang sa seksyon K.

            Isang araw, siya ay pumunta sa silid-aklatan upang doon siya maghanap ng mga inpormasyon tungkol sa kanyang research paper. At hindi nagtagal dumating ang tagapagmahala ng kanilang silid-aklatan.

            “Janex, ano ba ung usok diyan?” alam ng tagapagmahala na naninigarilyo si Janex sa loob ng sili-aklatan at paulit-ulit nitong ginagawa kahit anong gawin niya.
            “Ilan bang beses kong sasabihin sa’yo na huwag na huwag kang manigarilyo sa loob ng silid-aklatan?” ani niya.
            “At ilan beses ko rin bang sasabihin sa’yo na wala kang pakialam?”sagot na pabalang ni Janex.
            “Uulitin ko lang sa’yo na ako lamang ang tagapagmahala nitong sild-aklatan na ginagamit moh at guro mo sa asignaturang Edukasyong Pagpapahalaga,” galit na sabi ng tagapagmahala.
            “Oh ano naman ngayon? Tagapagmahala ka lang naman. Nagbabayad ako dito at tandaan mo, wala kang pakialam kung ano man ang ginagawa ko,” walang galang na sabi ni Janex.
            “Puwes lumabas ka sa silid na ito!” sigaw na sabi ng tagapagmahala.
            “Hindi mo na kailangan akong paalisin, dahil kusa akong aalis!” padabog na sabi ni Janex at lumabas na ito sa silid-aklatan.
            “Kay malas nga naman oh!” pabulong na sabi ni Janex habang siya ay palabas ng silid-aklatan.

            Pagkatapos nitong makipagsagutan sa tagapagmahala, siya ay tumungo na sa kaniyang silid-aralan. Alam niyang huli na siya sa kanyang klase kaya binagalan pa niya lalo ang kanyang lakad. Pero nakarating pa rin siya sa kanyang silid.

            Dire-diretso siyang pumasok kahit may guro sa unahan. Hindi pinansin ng guro si Janex. Dahil alam niyang kahit anong sermon ang gawin niya hindi pa rin ito susunod.

            “Tayo ay magkakaroon ng Sci-Camp sa darating na Setyembre 26-29. ‘Yung may gusto ay pwede kayong pumunta sa akin at humingi ng form. ‘Yun lang at pwede na kayong umuwi.” anunsyong sabi ng kanilang guro.

Kinabukasan, sa may Computer Room….

            “Hay, makakapagcomputer din sa wakas,” tuwang sabi ni Janex.
            “Ang swerte ko naman, walang tao,” ani ni Janex.

            Pagkatapos niyang gamitin ang kompyuter, hindi niya ito pinatay sa tamang patayan at hindi man lang nilinis.


            Dumating ang araw ng Sci-Camp….

            “3-K, dun kayo matutulog sa may Computer Room, maliwanag ba? At pwede na ninyo ilagay ung mga gamit niyo,” utos ng kanilang guro.

            Sinunod na ng mga 3-K ang utos ng kanilang guro.

Nagsimula na ang Sci-Camp.

            Nagkaroon ng mga laro at inabot ng alas-dose ng hatinggabi. Kaya ang bawat isa ay napagod at pumunta na sa kani-kanilang kwarto. Ang iba naman ay naliligo.

            Si Janex ay mahimbing na natutulog gayundin ang kanyang mga kaklase. Siya ay nagising sa kalagitnaan ng madaling araw. Nagising siya sa mga naguusap. Hinahanap niya ang pinagmumulan ng tunog. Napagalaman niya na galing ang tunog sa kompyuter. At tiningnan naman niya ito.

            Habang siya ay nasilip, napansin niya ang mga kompyuter ang naguusap. Biglang may kumulpit sa kanyang balahibo.

            “Ano ba?” galit na sabi ni Janex at bigla siyang napasigaw.
            “Aaaaaaahhhhhhhhhh!” Ang tanging nasabi niya. Hindi siya makapaniwala na ang kumulpit sa kanya ay isang kompyuter na may buhay.
            “Lumayo ka.”
            “Alam mo bang nakakasakit ka ng damdamin ng iba?” tanong ng kompyuter.
            “Oh ano naman sa’yo?”
            “Nandito lang kami para turuan ka ng leksyon. Una sa lahat maging magalang ka at dapat marunong kang magpahalaga ng damdamin ng iba.”
            “Kung hindi ko iyon gawin?”
            “Puwes,hindi lang kompyuter ang mabubuhay kung hindi ka susunod.”
            “Kailangan ba talaga na sumunod sa’yo?”
            “Oo.”

            Biglang may yumuyugyog sa kanya.

            “Gising! Gising!” sabi ng kanyang kaklase.
            “Ano nangyari?” tanong hniya sa kanyang kaklase.
            “Nananaginip ka.”
            “Salamat! Panaginip lang lahat yun.”
            “Ano?”
            “Wala.”

Simula nung nanaginip siya ay bigla siyang naging magalang at marunong na rin siya magpahalaga sa mga ibang tao. Maraming nagtakang guro sa kanya pero sinasabi niya na nagbago na siya. Walang ibang nakakaalam sa totoong nangyari sa kanya. 

        

No comments:

Post a Comment