Ako si Sam Jenny Barcenas. Pinanganak noong Disyembre 16, 1995 sa San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Cefronnie Barcenas at si Rosanna Barcenas. Ang aking ama ay karpintero, minsan naman ay tindero. Ang aking ina naman ang nagaabyad sa amin ni kuya. Kami ay apat na magkakapatid at ako ang bunso. Ang panganay kong kuya at ate ay mayroon na silang sariling pamilya. Ang pangatlo ko namang kapatid ay nag-aaral ng kolehiyo. Ako naman ay nasa ikatlong antas na.
Elementary Days...
Ako ay nag-aral sa Ambray Elementary School mula una hanggang ikalawang antas. Ako ay lumipat sa San Pablo Colleges upang dito mag-aral ng ikatlong baitang. Dito ako pinapasok ng aking ate ng siya ay nasa ibang bansa. Ngunit lumipat ako sa San Pablo Cental School. At dito ko na pinatuloy ang aking elementarya mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang. Dito na rin ako nagtapos ng pag-aaral.
High School Days...
Unang araw pa lang ng klase, marami ng estudyante. Hinanap ko agad ang aking seksyon. At napabilang ako sa seksyon A. Ngunit kakaunti lang ang estudyante sa Science Section. Kaya nagkaroon kami ng pagkakataon na mapabilang doon. Pinakuha kami ng exam. Sa awa ng Diyos, ako ay napasama sa seksyon ng Science.
Nang maging Freshmen ako, marami akong mga naging karanasan. Tulad na nito ay ang pagsali ng aming seksyon sa isang dulaan. Ang idudula ay ang Ibong Adarna. Nakamit namin ang unang karangalan. Kahit hindi kami masyado handa.
Nang maging Sophomore kami, walang natanggal sa amin. Ngunit may isang lumipat ng ibang paaralan. Ito namang taon ay dinula namin ang Florante at Laura. At nakuha namin ang ikalawang karangalan. Kahit ganun, masaya pa rin kami.
Ngayon Junior na ako, naging exciting. Kasi mayroon na kaming JS Prom. Naging masaya naman ang naganap na JS namin. Ngayon lang din namin naramdaman ang pagiging Science ay mahirap. Gagawa kasi kami ng Science Investigatory Project. Kahit ganoon, nagsusumikap kami para walang matanggal sa Science. Pero masaya pa rin ako dahil napabilang ako sa seksyon na ito.
Hanggang dito lang muna ang aking talambuhay...
No comments:
Post a Comment